Monday 28 February 2011

Ang Talambuhay ni Dennis Fatalla

      Ako ay isinilang sa bayan ng Marinduque noong pebrero 22,1995.Sabi ng mga lola ko muntik na daw mamatay ang mama ko sa panganganak sakin,ewan ko nga jung bakit.
       Dalawa lang kaming magkapatid at ako ang bunso,tatlo dapat kami,kaso namatay ang panganay naming kapatid dahil sa kombulsyon.Ako ay napakalikot nung bata pa lang at palagi ako sinusundo nga tita ko para dun dalhin sa kanila para daw pag uwi ko ay nakapaligo na ko.Nag aral ako ng day care sa makawayan at hinahatid ako lagi ng mama ko at nang papanung mga panahong yun eh nasa ibang bansa siya,ang kasama lang namin sa bahay ay ang lolo,lola at ang mama at si kuya.
        Nang grade 1 na ako eh lagi kami naliligo sa dagat ng lolo at lola ko.Masaya ako nun kasi nakakabonding ko sina lolo at lola ko at nung grade 2 na ko ay umalis si mama para magtrabaho sa manila para matulungan si papa sa panggastos at sa school namin.May nagugustuhan ako noon na babae na kaklasew ko at yun ay si Jamaica at alam ko din naman na may gusto siya sakin,sa katunayan nga eh naisulat ko pa sapinto ng CR na 'I Love You JAMAICA",kaya pag may nag ccr samen ay nababasa nila yun. . . Nakakahiya nga eh. . Pentel pen pa naman ang pinansulat ko dun pero ok lang kasi hindi na rin naman mabubura yun eh.Pero hindi ko naman malapitan siya kasi torpe ako.
          Nung nakauwi na ang papa ko galing ibang bansa ay ang mama ko naman ang sunod na nag ibang bansa.Kasi mahina narin ang lolo ko nun eh.Sa totoo nga eh namatay ang lolo ko sa kanlungan ko kasi si lola ay tinatawag ang tita ko para iBP ang lolo pero hindi na umabot ang lolo ko.Siya ang nagbigay sakin ng pangalang "Dennis" dahil daw may kaibigan siyang dennis ang pangalan at dun niya kinuha ang pangalan ko,iyak na iyak ako nung namatay ang lolo ko,pero napag isip isip ko rin na siguro mabiti na rin yun para hindi na siya mahirapan.
         At nag uwian lahat ng anak ng lolo ko at ng ilibing na ang lolo eh...may pumunta samin na isang ibon na "Maria Kapra" yun ay isang ibong mailap sa tao pero yung ibong pumunta samin ay mahina na para bang kahalintulad siya ng loilo ko at sa pagkakataong yun ay inikot ng ibon ang buong bahay,nag punta siya sa kusina,cr at sa kwarto at pumunta sa higaan ni lolo.Pilit man naming hulihin ang ibon ay hindi namin magawa,pero ang kakaiba sa ibon ay nung pumunta siya sa lola ko,naiyak ang lola ko nun at sabay sabi na "Wag muna kaming guluhin masaya na kami dito ng mga anak mo", pagkasabi ng lola ko na yun ay umalis na ang ibon at ng grade 4 na ako e nagtransfer ako sa manila nangupahan kami dun at nagtayo ng isang munting tindahan at ako ay dun pumasok sa school na pinagtuturuan ng tita ko,nag tuturo kasi ang tita ko dun ng grade 2 lang,tinuturuan niya kasama namin sa manila ang lola at ang papa.Nang grade 4 na ako ay umuwi na ang mama ko galing ibang bansa at nagkasama sama na kami ulit at sa school naman ay nakilala ko si "Rassel" na nagpatibok muli sa aking puso,lagi akong naka gel non para mukang bagong ligo ako at pumupunta kami sa bahay nila kahit malayo eh nilalakad namin ng kabarkada ko para lang makita siya.
           Pero pag andun na kami eh nahihiya naman ako,masaya na ako pag nakita ko siya at di nagtagal eh parang nauubos na ang ipon ng mama dahil sa hilig ng papa kong mag inom at pag lasing na ang papa ay lagi kaming pinapangaralan ng kuya,magaling magsalita ang papa.
          Napapaiyak nga ako kapag highblood ang papa at iyak na kami nun dahil akala namin namatay na si papa dahil talagang hindi na siya nahinga at naalala ko ang turo ng teacher na pag daw nahahighblood ay pipisilin mo daw ang daliri sa kamay para daw magkamalay ang may highblood.Yun nga ang ginawa ko at effective naman,nagkamalay muli si papa at sabi ni papa puntahan ko daw si Tito Boy" para kaunin ng jeep at isugod sa ospital si papa.
          Tumatakbo ako habang umiiyak at dahil gabing gabi na hinabol ako ng curfew at sumuot ako sa ilalim ng jeep at pagkalampas ng curfew ay tumakbo uli ako hanggang sa makarating ako kina Tito Boy.Dali dali namang kinuha ng tito ang jeep at naisugod namin c papa sa ospital.
        Nung grade 6 ako ay lahat kami ng mga kaklase ko ay nakatapos dahil dun sa tugtog ay lahat kami ay nag iyakan.Pero ang pinakahihintay ko ay nung high school na ko,first time ko makatungtong sa school ng mga freshmen!!Pero di nagtagal ay nasanay na din ako paunti unti doon.Hanggang sa nagkaroon ako ng kaibigan ko dun,di nag tagal pare pareho kaming nag cucutting classes para lang maka pag laro ng basketball.Pero nagbago ang lahat nung biglang dumating sa buhay ko si Aireen lagi kasi akung napunta sa kanila at para makapag usap.Mabait siya at makaDiyos pero hindi ako maka Diyos eh.Masaya pala para sakin ang highschool nung sa probinsya pa ako nag aaral eh pag mag eexam ay kailangan pa kumuha ng permit para makakuha ng exam at bagong gupit dapat.Pag exam eh lagi kaming nagpapasahan ng sagot at ang kagandahan pa eh lagi may sayawan sa school namin at lalo na sa mga 4th year dahil 4th year ang kuya ko nun ay nakilala ko si Milya,kaklase ng kuya ko at naging kami biruin mu yun.Pero para pa kaming nag kakahiyaan.
Ako po yan at mga pinsan ko  sa swimming
         Isang araw niyaya ako ng kabarkada ko na mag swimming overnight daw at sumama naman ako,nakabike lang kami para libre dahil kasama namin ang anak ng may ari ay libre kami.Marami ding kasama na chicks ang barkada ko at lahat naman ay magaganda at para saken pinakamaganda si Madel para bang na Love At First Sight ako sa kanya.
         Alam ko na may pagtingin din siya sakin dahil tingin siya ng tingin sakin at nang gabi na eh nag inom kami sa cotage at ibang barkade niya.Bigla siya umalis at naupo sa tabi ng dagat at tumawag ang mommy niya pero sinundan ko siya para makapag usap kami ng masinsinan.Pero hindi naman ako makaimik dahil siguro nahihiya na naman ako kamuka kasi niya si Vina Morales at mayaman pa sila,nagulat ako kasi siya ang unang umimik saken at tinanong ako kung anung name ko at sumagot naman ako "Dennis" nga pala ang pangalan ko at nagkamayan kami.
ako dn po ito kasama ang aking kuya at mga pinsan
          Hanggang sa tumagal ang pag uusap namin at hindi namin namalayan na kami na.January 25 yun nang araw na maging kami.Hindi ko talaga malilimutan ang araw na yun kasi sinabi pa nya na sana ay "Hindi na kami Magkahiwalay" Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa inuman at magkahawak kamay,napansin ko ng pagbalik namin ay masama ang tingin sakin ng isa namin kainuman na barkada niya sabay umalis din yung lalaking iyun.
          Pagbalik na pagbalik nung lalaking masama tumingin ay may kasama na siyang mga barkada at ako ang hinahanap,kaya nagtipon tipon kami ng mga kabarkada ko at sa nang yaring yun ay hindi alam ni Madel kung anung gagawin niya.May hawak kasing kutsilyo ang kainuman naming iyun eh gusto akong saksakin.Tinawag naman ako ng barkada ko at sinabi nya na sa likod na lamang daw ako at wag aalis,kasi sa barkada namin ay ako ang bunso.
Ako ito kasam ko ang mama ko
          Nag sorry sakin si Madel sa nangyaring yun kaya pinatawad ko naman siya.Kaya nung gabi ring yun ay magkayakap lang kami at pinagmamasdan ang dagat sa gabing yun ay ramdam ko ang sobra niyang pagmamahal sakin.
         Nagyayabangan pa nga kami nung gabing yun kasi hindi ko akalaing makikilala ko si Madel at ng mag uumaga na ay niyaya niya kami na magkape sa kanila at sumama naman kami at pagkatapos namin magkape ay kailangan naming umuwi.Kinuwa ko agad ang number ni Madel at binigay ko naman sa kanya yung teddy bear na pag pinindot ay nag iilove you,sabay sabi ko sa kanya na text text nalang kami.
        Sabi nga nila sakin swerte daw ako kay Madel kasi lagi daw kaming nag ttxt at nagbibidahan.Pero ang malungkot ay nung 3rd monthsary namin kasi nawala ang cp niya kaya dahil dun ay nawalan kamin ng communication sa isat isa hang sa tuluyang wala na nga.
ito ang litrato noong ako ay third year
         Kaya nun pinilit ko siyang kalimutan at nung second year nako ay lumipat na kami ng tirahan dito sa San Pablo para malapit sa mama namin at dito nga ako nag aral sa Dizon,pero ang hindi malimutan ay nung nasa probinsya pa ko kasi dun marami akong naging gf.Nung 3rd year nako ay napasali ako sa FRAT at iilan lang kaming wala kasi nung una ay madami kaming nagbabalak sumali sa FRAT ng barkada ko pero dati kasi kaya hindi kami makasali ay ayaw nung barkada ko saka na daw pag siya na ang naghahawak ng chapter na yun at nuhng 4th year na ko ay hindi na kami magkaklase pero magkabarkada pa din kami,may nabawas man samin eh may nadagdag namang bago at nung sila na nga ang naghahawak ng chapter na yun ay natuloy na ang pagsali namin.Hindi alam na sa huli pala ay pagsisisihan namin ang pagsali sa FRAT na yun.
          Kahulihulihan kong ikukwento sa inyo ay nung JS Prom. namin kasi nagparamihan kami ng isasayang ng mga kaklase ko ang saya namin kahit hindi kompleto ang buong 4i,naisip ko na lamng na anu kaya kung kompleto kame edi sana mas masaya?Ang natutunan ko sa aking mga karanasan ay umiwas na sa mga masamang gawi tland ng pag cucut ng class kasi wala naman yung maidudulot na maganda.
      

SALAMAT SA MGA BUMASA NG AKING TALAMBUHAY!!!

No comments:

Post a Comment