1year old
Napakasaya ng tatay at nanay ko nung ako ay nag celebrate ng aking unang kaarawan dahil sa aku pa lang ang anak ng aking ama’t ina dahil sa unang karawan ko nga ni regaluhan ako ng aking mga magulang ng isang PAJERO. Hindi un totoong pajero un di padjak lang ang cute ko pala nung bata pa aku hehehe. Dahil sa unang kaarawan ko nag handa sila ng spaghetti,pancit bihon,sopas,cake,ice cream,palabok,etc dahil dito napakasaya ko. Hindi lang aku ang masaya pati mga kapit bahay naming kase nga naman libre ang meryenda nila hehehe.
5yaers old
Limang taong gulang na aku ng nag simula akung pumasok ng kinder. Uhugin pa aku nun ayaw ko pa ngang mag pa iwan sa tita ko. Tita ko dahil tita ko ang nag alaga sa akin nung ako ay limang taong gulang dahil ang mga magulang ako ay nag tatrabaho sila pareho sa maynila. Nung kinder pa aku talang makulit na aku . Mahilig din akung sumayaw. Sa katunayan nga sumayaw kami sa school may picture pa nga eh.sumayaw kami bilang representation sa gaganaping graduation namin, at nung kinder aku dun ko naranasan ang aking 1st time ever na fieldtrip. Nag punta kami sa calamba at sobrang unforgetable ang moment na un . Kasama ko dun yung mga classmate ko .Pag nakikita ko ang picture ko natatawa ako dahil bungi aku nun hehehehe.
7-12years old
Pagkatapos mag kinder pumasok ako ng elementarya sa lugar naming sa SAN CRISPIN ELEM.SCHOOL kung saan anim na taon akung nag sumikap sa pag aaral. Sa kabila ng matinding kahirapan pinilit kaming itaguyod ng aking ama at ina kahit tatlo kaming pinag aaral nila. Nangibang bansa ang aking ama para lang matugunan ang aming pangangailangan dahil sa hirap ng buhay ditto sa PILIPINAS masakit pero kailangan. Nabuo ang aking pangarap dahil nakita ko sa mga magulang ko ang hirap at pagod na dinaranas nila maitaguyod lang kami. Naisip ko nga na pag nakatapos ako ng pag aaral at makahanap ng magandang trabaho ay ako naman ang mag papaaral sa mga kapatid ko para matulungan ko ang mga magulang ko sa gastusin. Sa elementarya rin akong nag simulang mag kagusto at take note guro ko pa ang nagustuhan ko nung grade four aku, kaso hindi kami pwede at isa pa naisip ko rin masyado pa akong bata para sa mga love,love na ganyan. Noong grade five naman ako marami din akong kalokohan. Naalala ko pa nga nung nangunguha ako ng rambutan sa nyugan namin nahulog ako sa puno akala ko nga mababalian ako hehehe. Noong grade six naman ako nagbehave ako ng konti kasi may kasabihan ang matatandana pag daw gagraduat ang isang tao takaw pa ang pogi points ko. Marami rin nangyaring magagandang moments sa buhay ko noong grade six ako tulad na lang nung nagpahanda ako sa school namin noong kaarawan ko pero kami lang naman ng mga classmates ang kumain ng handa ko kasi hindi naman lahat ng estudyante sa school namin kaya kong bigyan. Masaya ako noong nagpapraktis kami ng graduation lalo na noong graduation na talaga excited na excited pa nga ako nun dahil pagkatapos ng araw na un mararanasan ko narin ang high school life na tinatawag nilang pinakamasayang bahagi sa buhay ng tao
High school
![]() |
j.s nung 3rd year |
masarap magmahal at mahalin pero kung gano kasap mag mahal ganun din kasakit kapag iniwan ka ng taong akala mo hangang huli ay kayo haist hirap mag move no kaya kayo alagaan nio ang taong mahal nio wag kayong gagawa ng dahilan o paraan para mag away o mag hiwalay kayo .
By;
ROMAR A CORTEZ
4-I
No comments:
Post a Comment